Kinumpirma ng Department of Justice na isasailalim na sa preliminary investigation ang mga kasong isinampa sa isang estudyanteng namaril sa eskwelahan sa Tacloban City kamakailan.
Ayon mismo kay DOJ Usec. Ian Norman E. Dato, uusad na sa pagsasagawa ng preliminary investigation ang reklamong inihain laban sa 15-taon gulang sangkot sa pamamaril.
Makaraan ay sinampahan ang naturang estudyante ng tatlong bilang ng ‘murder’ at dalawang bilang ng ‘attempted murder’ matapos ang naganap na pamamaril sa eskwelahan.
Kung kaya’t kasunod nang maisailalim sa ‘inquest proceedings’ ng Tacloban City Prosecutors’ ito, papasok na sa preliminary investigation ng prosekusyon ang mga reklamo.
Itinuturing ang estudyanteng namaril sa Tacloban City bilang ‘children in conflict with the law’ na kasalukuyang mananatili sa kustodiya ng Regional Rehabilitation Center for Youth ng Region VIII.
Habang ang 14-taon gulang na sangkot din sa pamamaril ay nasa pangangalaga pa rin ng Department of Social Welfare and Development kung saan isinasailalim sa ‘intervention programs’ ng ahensiya.
Magugunitang sa tatlo ang patay at nasa 20 ang naitalang sugatan sa nangyaring insidente ng pamamaril sa eskwelahan na matatagpuan sa lungsod ng Tacloban.

















