Mismong sina Special Assistant to the President/ SAP Antonio Lagdameo,Jr., DSWD National Secretary Rex Gatchalian, MinDA Chair Leo Magno ang bumisita noong July 14, 2024 sa bayan ng Matanog sa Maguindanao del Norte at bayan ng Kapatagan at Balabagan sa Lanao del Sur upang makita ng personal ang mga biktima ng pagbaha.

Namahagi ng foodpacks,hygiene kits at cash assistance ang DSWD sa mahigit isang libong pamilya sa Matanog at dalawang libong pamilya sa Balabagan at Kapatagan.

Ayon kay SAP Anton, mismong si Pres. Ferdinand “BongBong” Marcos,Jr. ang nag utos sa kanila at makita ang sitwasyon ng mga residente sa lugar.

Nagpasalamat naman si Matanog Mayor Zohria Bansil Guro sa walang humpay na pagtulong sa kanilang mga kababayan.

Kasama rin kahapon sa pamamahagi si Maguindanao del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura na sinaksihan nina Buldon Mayor Pahmia Manalo Masurong kasama ang mga opisyales ng Iranun Corridors.

Samantala,maging si Balabagan Mayor Edna Ogca Benito ay nagpasalamat din sa tulong na ipinaabot sa kanila ng pamahalaan.