Arestado ang isang babae mula Lumbayanague, Lanao del Sur at ang kasabwat nitong lalaki mula General Santos City matapos makumpiskahan ng higit ₱714,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Labangal, General Santos City nitong Martes, Hulyo 29.

Batay sa ulat na ibinahagi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12 kahapon, nasakote ang 31-anyos na babaeng suspek at ang kanyang kasamang 47-anyos na lalaki matapos mabilhan ng mga operatiba ng 105 gramo ng shabu sa naturang lugar.

Katuwang ng PDEA 12 sa operasyon ang General Santos City Police at Police Regional Office (PRO) 12.

Nasa kustodiya na ng PDEA ang dalawang suspek, na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.