Hangga’t walang altapresyon, durian pa more!

Sa isang farm sa Barangay Bagong Silang sa bayan ng Makilala, Cotabato, di mo na kailangan makipagsiksikan at makipagagawan ng durian.

Sa farm kasi na ito, maari kang kumain ng durian one-to-sawa at ang maganda dito, LIBRE ito!

Ang kailangan mo lang dalhin ay ang pambiyak mo dito at kailangan mo rin ipunin at ibalik sa may-ari ang BUTO nito.

Ayon sa may-ari ng farm, di mo na kailangan pang dumayo sa lungsod ng Davao para sa fresh na durian basta wala lang high-blood o altapresyon.

Kaya ano pa ang inaantay, tara na sa Makilala!