Timbog ang isang negosyante matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation bandang alas-5:00 ng hapon sa kahabaan ng Cotabato-Shariff Aguak Road, Sitio Daiwan, Brgy. Tanuel, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Kinilala ang suspek na si Zacaria Guialol Bedo, 35 anyos, may asawa, at residente ng nasabing barangay. Sa operasyon, nasamsam mula sa kanya ang limang selyadong pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 2.4 gramo, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱16,320 batay sa pambansang drug price.
Si Bedo ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa sa pagtutulungan ng DOSMPS, PDEU, PIU, OFC, 1st PMFC, 2nd MP 1st PMFC, at 1404th RMFB 14-A.