Dinagsa ng taumbayan ang isinagawang kaunaunahang seremonyas inagural ng bayan ng Ligawasan, SGA-BARMM kahapon, Agosto 29. Ginanap ang inagurasyon sa Municipal Gym ng bayan ng Pikit.

Pinangunahan ni Ligawasan OIC Mayor Sultan Mama kasama ang mga OIC Sangguniang Bayan members ng Ligawasan.

Sumaksi din ang mga miyembro ng parliamentaryo, mga dati at kasalukuyang opisyales ng Bangsamoro Government at ang SGA-BARMM MILG Provincial Director Zaiton Abas kung saan lahat sila ay nagbigay ng mensahe ng pagsuporta sa LGU-Ligawasan.

Ayon kay OIC Mayor Mama, bagamat di ito nangangako ay tahasan nitong sinaad na gagawin nito ang lahat upang maibangon at maisakatuparan ang tuloy tuloy na pagunlad ng Ligawasan mula sa mapait nitong naging nakaraan.

Samantala nagpasalamat naman si Ligawasan Municipal Administrator Atty. Datu Allanudin Hassan sa libo libong mamamayan ng Ligawasan sa kanilang pakikiisa sa naturang seremonyas.