Nagsagawa ng coordination meeting ang Moro Islamic Liberation Front-Ad Hoc Joint Action Group o MILF-AHJAG at 1st Mechanized Brigade ng 6th Infantry Division ngayong Miyerkules Agosto 19, 2026 sa Barangay Kalandagan, Tacurong City, Sultan Kudarat.

Pinangunahan ni MILF-AHJAG Chairman Anwar S. Alamada, MPA ang grupo ng MILF-AHJAG sa naturang pagpupulong, habang kinatawan naman ng 1st Mechanized Brigade si Brigade Commander Brigadier General Omar V. Orozco.

Dumalo rin sa pulong ang mga commander ng MILF-Bangsamoro Islamic Armed Forces o MILF-BIAF mula sa mga lugar na malapit sa nasabing brigade, kasama ang iba pang kinatawan at personnel ng magkabilang panig.

Nakatuon ang talakayan sa mga usapin sa kapayapaan at seguridad, pagpapalakas ng koordinasyon sa kani-kanilang lugar at pagtutulungan para sa katatagan ng mga komunidad.

Muling pinagtibay ng dalawang panig ang kanilang patuloy na suporta at commitment sa Government of the Philippines-MILF Peace Process at sa pagpapanatili ng peace and stability sa mga komunidad.