Idinaos ngayong araw August 3, 2026 ang Grand Proclamation Rally na pinangunahan ni United Bangsamoro Justice Party (UBJP) President at Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Al Haj Murad Ebrahim ng partido na ginanap sa Binidayan Gymnasium.

Bago pa man magsimula ang programa, dumagsa na ang mga dumalo mula sa iba’t ibang bayan ng Lanao del Sur at mga karatig-lugar. Ayon sa inisyal na tala ng mga organizer, umabot sa 46,251 ang kabuuang bilang ng mga dumalo sa rally hanggang alas-11:00 ng umaga.

Naging tampok sa programa ang pagpapakilala sa mga party nominees, mga kandidato sa distrito, at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor na tatakbo sa ilalim ng UBJP para sa nalalapit na halalan.