Nagpadala ng karagdagang mga tauhan mula sa Zamboanga Sibugay ang 106th Infantry “Tigpanalipod” Battalion ng Philippine Army bilang dagdag-puwersa sa seguridad para sa nalalapit na 2026 BARMM Elections.
Isinagawa ang send-off ceremony bago tumulak ang mga sundalo patungo sa kani-kanilang itinalagang lugar ng deployment.
Binigyang-diin sa mga tropa ang kahalagahan ng disiplina, propesyonalismo, pagiging patas at integridad sa pagtupad ng kanilang tungkulin, gayundin ang pagsunod sa batas habang ginagampanan ang kanilang security duties.
Layunin ng deployment na makatulong sa pagpapanatili ng ligtas, mapayapa at maayos na halalan, kung saan malayang maisasagawa ng mga botante ang kanilang karapatang bumoto.
Samantala, pinaalalahanan ang mga sundalo na manatiling non-partisan at igalang ang proseso ng halalan sa kanilang pagsasagawa ng tungkulin.

















