Niyanig ng isang magnitude 5.7 na aftershock ang Davao Occidental at mga karatig-lugar ngayong Sabado, June 13, 2026, alas-10:05 ng umaga, ayon sa PHIVOLCS.

Batay sa datos, ang lindol ay naitala sa lalim na 10 kilometro at ang epicenter ay nasa 21 kilometro hilagang-kanluran ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.

Ramdam ang pagyanig sa ilang bahagi ng Mindanao. Naitala ang Intensity V sa General Santos City, habang Intensity IV naman sa Malapatan, Malungon, Maasim at Kiamba sa Sarangani; Tupi at T’boli sa South Cotabato; at Santa Maria sa Davao Occidental.

Ayon sa PHIVOLCS, ang pagyanig ay isang aftershock ng magnitude 7.8 na lindol noong June 8, 2026 sa offshore Sarangani.

Patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at pinaalalahanan ang publiko na manatiling alerto sa posibleng karagdagang aftershocks.