Bilang suporta sa napipintong pagpapaliban ng 2025 First Bangsamoro Parliamentary Elections, pumirma sa tinatawag na Position Paper ang labindalawang alkalde ng Maguindanao Del Sur sa pangunguna ni Mayor Khadafeh Mangudadatu ng bayan ng Pandag.
Sinundan naman ito ng mga alkalde ng mga bayan ng Datu Anggal Midtimbang, Datu Hoffer, Paglat, Rajah Buayan, Talayan, Guindulungan, Mangudadatu, Pagalungan, Datu Piang, Datu Salibo at ng Buluan.
Isusumite sa makipot at malapad na kapulungan ng kongreso ang pirmadong papel. Hangad naman ng mga ito na kung maipagpaliban ang halalan sa rehiyon ay MILF pa rin ang mamuno sa BARMM Government.