Isinagawa ngayong Huwebes, May 28, ang magkasanib na military exercise ng Pilipinas at Estados Unidos sa Barangay Penansaran, bayan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kooperasyong pangseguridad ng dalawang bansa.
Tampok sa aktibidad ang Marine Exercise 2026 o MAREX26 at ang Joint Artillery Littoral Live Fire Exercise kung saan nagsagawa ng magkatuwang na pagsasanay ang mga puwersang militar ng Pilipinas at Estados Unidos na nakatuon sa pagpapahusay ng kanilang koordinasyon at kahandaan sa iba’t ibang operasyon.
Dumalo sa isinagawang joint military exercise ssina BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua, Maguindanao del Norte Vice Governor Datu Marshall Sinsuat, Datu Blah Sinsuat Mayor Raida Tomawis-Sinsuat, Maguindanao del Norte Administrator Datu Sharifudin Tucao Mastura, at Datu Odin Sinsuat Vice Mayor Datu Bobsteel Sinsuat kasama ang iba pang matataas na opisyal ng militar bilang pagpapakita ng suporta sa isinagawang aktibidad at pagpapatibay ng kooperasyong pangseguridad sa lalawigan.
Layunin ng MAREX26 na higit pang mapahusay ang interoperability at operational readiness ng mga kalahok na puwersa sa pamamagitan ng serye ng pagsasanay sa maritime security operations, amphibious at mechanized maneuvers, littoral live-fire drills, at special operations training.
Magpapatuloy ang MAREX26 hanggang May 29, 2026 bilang simbolo ng pinagtibay na alyansa at mas pinaigting na kooperasyong militar sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

















