Isinuko ng dalawang mamamahayag na nakabase sa lungsod ng Kidapawan ang kanilang mga sarili sa otoridad para harapin ang mga kaso nito.

Kinilala ang dalawang mamamahayag na sina Eva Molina y Buhayan na Station Manager at Anchor ng Brigada News FM Kidapawan City at ang reporter nito na si Charles Encio.

Nag-ugat ang kaso sa isang malisyosong post at balita na kinasangkutan ng mga minor de edad noong nakaraang buwan.

Agad naman na nagtungo ang dalawang personahe sa Makilala PNP kung saan ito sumuko at nagpiyansa ng aabot sa kalahating milyong piso na nirekomenda ng korte para sa dalawa.

Inaasahan naman na makababalik sa trabaho ang dalawang mamamahayag na sina Molina at Encio matapos na makapagpiyansa ito bilang pansamantalang kalayaan.