Mainit na tinanggap ng hanay ng kapulisan ng Police Regional Office-BARMM ang pagbisita ni OPAPRU Secretary Mel Senen Sarmiento sa Kampo Camp BGen Salipada K. Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte noong Mayo 28, 2026.
Pinangunahan ni PCOL Jemuel F. Siason, Deputy Regional Director for Administration ng PRO BARMM, ang pagtanggap sa kalihim na dinaluhan din ng mga opisyal mula sa hanay ng militar at kapulisan.
Kabilang sa mga dumalo sina Lt. Gen. Donald M. Gumiran, Commander ng Western Mindanao Command, at Maj. Gen. Jose Vladimir R. Cagara, Commander ng 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, kasama ang iba pang matataas na opisyal at personnel ng militar at pulisya.
Ayon sa mga opisyal, layunin ng pagbisita na palakasin ang ugnayan ng mga peace and security stakeholders sa rehiyon, partikular sa pagsusulong ng mga programa para sa peacebuilding, rekonsilasyon, at pagkakaisa sa Bangsamoro.
Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa Bangsamoro Region.

















