Huli sa magkasanib na chokepoint operasyon ng PRO BAR at PRO 12 ang isang notorious na carjacker sa pagitan mg barangay Kakal Paglat sa Maguindanao Sur at Barangay Katiko, President Quirino sa Sultan Kudarat.

Ito ay matapos na makatanggap ng ulat ang isang tauhan ng President Quirino MPS na nanghihingi ng responde at tulong sa gagawing operasyon.

Ang di kinilalang suspek na residente ng Lutayan sa Sultan Kudarat ay matagumpay na nahuli matapos na gawin ang naturang operasyon.

Sa ngayon, nasa President Quirino MPS na ang suspek kasama ang tinangay nitong motorsiklo para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Sa kabilang dako, pinapurihan naman ng PRO BAR ang epektibong paglutas at paglaban sa kriminalidad ng Paglat at President Quirino MPS.

Ayon sa PRO BAR ang naturang accomplishment ay isang patotoo na handa ang PNP sa anumang operasyon na gagawin sa ibat ibang rehiyon ng bansa.