Naging circus at trending sa social media ang tila pagpapalit ng damit na ginawa ng PNP hinggil sa kunsino ang mauupo o maitatalaga bilang OIC City Director ng Davao City Police Office.

Una na kasing itinalaga si PCol Lito Patay na mamuno sa pwesto ngunit sinibak ito apat na oras matapos maitalaga sa pwesto.

Pinalitan agad ito ni PCol Sherwin Butil ngunit di pa man nagiinit ang kanyang pulungkuan sa pwesto ay pinalitan din ito agad makalipas naman ang isang oras.

Sa ngayon, naitalaga na bilang bagong Acting City Director ng pulisya sa lungsod si PCol. Hansel Marantan.

Una sa kasaysayan ng pambansang pulisya ang ganitong pangyayari na tinagurian ng mga kritiko na tila power tripping sa lungsod at pagpapalit baro ang ginagawang pagpapalit ng mga opisyales ng pambansang pulisya.