Nasawi ang isang trabahante o job order partikular na ng Office of the Local Civil Registrar ng LGU Pagalungan, Maguindanao Sur matapos na pagbabarilin ito sa bahagi ng Sitio Malingco, Barangay Inug-ug, Pikit Cotabato dakong 4:20 ng hapon kahapon.

Kinilala ang biktima na si Christopher Matucan Malingco na may alyas na Topher.

Ayon sa inisyal na ulat, pauwi na galing sa trabaho ang biktima sakay ang kanyang kaibigan ng pagbabarilin ito sa lugar ng mga hindi pa kilalang gunmen na dali-daling tumakas gamit ang isang itim na Bajaj Motorcycle.

Kasalukuyan naman na nagsasagawa ng hot pursuit ang mga kapulisan at militar para matukoy ang mga suspek habang blangko pa rin ang mga autoridad sa motibo ng pagpaslang.