Pormal na ipinakilala ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ang siyam nitong kandidato para sa Lanao del Sur sa isinagawang grand proclamation rally sa Barangay Madaya, Lanao del Sur kahapon, Agosto 3.
Batay sa tala ng mga tagapag-organisa, tinatayang 46,543 na tagasuporta ang dumalo sa naturang pagtitipon na bahagi ng kampanya ng partido para sa nalalapit na Bangsamoro Parliamentary Elections.
Sa kanyang mensahe, muling iginiit ni UBJP Party President Al Haj Murad Ebrahim na ang United Bangsamoro Justice Party ang kinikilalang opisyal na partidong pampolitika ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon kay Ebrahim, wala umanong ibang partidong kinikilala ng MILF maliban sa UBJP.
Ang naturang grand proclamation rally ay bahagi ng serye ng mga aktibidad ng partido sa iba’t ibang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) bilang paghahanda sa nalalapit na halalan.

















