Binigyang-diin ni UBJP President Al Haj Murad Ebrahim ang mahalagang papel ng mga Bangsamoro scholars sa pagpapalaganap ng kaalamang Islamiko, pagpapatibay ng pananampalataya, at paghahanda sa susunod na henerasyon ng Bangsamoro.
Ipinahayag ito ni Ebrahim sa kanyang mensahe sa Union of Bangsamoro Scholars–Jordan Alumni Assembly na ginanap sa Camp Darapanan noong Agosto 6.
Sa kanyang mensahe, kinilala ni Ebrahim ang ambag ng mga iskolar sa pagpapaunlad ng kaalaman at pagpapatatag ng mga pagpapahalagang mahalaga sa komunidad ng Bangsamoro.

















