Mahigit ₱300 milyon halaga ng marijuana ang nakumpiska sa Cordillera Region mula Enero 1 hanggang Pebrero 18, 2026, sa tulong ng drones na ginamit ng mga awtoridad sa operasyon, ayon sa pahayag ng Police Regional Office-Cordillera (PRO-CAR) nitong Biyernes, Pebrero 20.

Kabilang sa nasamsam ang mahigit isang milyong gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, 1.2 milyong halaman ng marijuana, at higit sa 35,000 punla ng marijuana, na itinuturing na bahagi ng malaking operasyon laban sa iligal na droga sa bulubunduking rehiyon.