Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sumasailalim na sa rehabilitasyon ang babaeng kinilalang si Rose, na naging laman ng balita matapos matagpuang lumabas mula sa drainage sa lungsod kamakailan.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, si Rose ay bahagi na ngayon ng “Pag-abot Program” ng ahensya, isang programang tumutulong sa mga taong naninirahan sa lansangan upang makabalik sa maayos na pamumuhay.

Bagama’t batid umano ng ahensya ang paggamit ni Rose ng ipinagbabawal na gamot, hindi ito isinapubliko noon bilang paggalang sa karapatan niya sa client privacy.