Makalipas ang halos isang taon, 40 years imprisonment o reclusion perpetua na may multang aabot sa 10 milyong piso sa kasong murder o pagpatay ang hatol ng hukuman sa self-confessed killer na si Nasrudin Mohammad Endaila alyas Nadine.

Si Alyas Nadine ang pumatay sa doktor na si Maria Vicenta Tello na inilibing nito sa likod na bahagi ng Cotabato City Medical Society Building ng CRMC, Hulyo taong 2023.

Matatandaan na nangumpisal ito sa salang ginawa matapos na nagdilim ang paningin nito matapos siyang pagbintangan ng doktora na nawawala ang koleksyon nilang salapi.

Sinamantala naman nito ng pagpapahingang mag-isa ang doktora sa conference hall at doon niya na ginawa ang walang awang pagpatay at inilibing mag-isa ang biktima.